Nung nakita ko yung floor plan ng Getting Married Bridal Fair nalula ako sa dami ng suppliers na sumali kasi almost 400+ kami. Sabi ko hindi na ako mageexpect ng anything gawin na lang ang dapat gawin. Kaya sobrang saya namin ng team ng manalo kami ng TOP BOOKER for the bridal make up category sa biggest bridal fair in the country. Di namin talaga inexpect to. Sulit ang pagod halos di na talaga kami makakain sa sobrang busy. Maraming salamat sa lahat ng couple na nagtiwala at nagbook samin sa fair. Thank you so much to my family sa support and to CLP Metal sa pag-install at pagbaklas ng booth ko. Wala ako ng ingress pero di ako namroblema kasi alam na nila gagawin. Syempre, to my awesome team: Patrick, Bela, Jopay, Dags, Dom & Mirro. Guys, team effort to! Para satin lahat ang award na ito. Super galing and super sipag ng team! Guys, if you visited our booth malaman nyo kung gano kakulit yung team namin. Tawa lang ng tawa haha. And to my love, Jerico thank you so much for the support. I love you all!! Lord thank you!! ❤️❤️❤️